Ikaw at ako ay tunay na nagmamahalan
Mga puso nati'y pinagtagpo ng kapalaran
Buong buhay ko'y handa kang paglingkuran
Mga mata mo'y di paluluhain kailanman.Sa simula'y hirap tayong dalawa
Isa't isa'y di pa lubusang kilala
Kalauna'y ang mga binhi ay nagbunga na
Sapagkat hangad nating dalawa ang lumigaya.Buhat ng ika'y naging akin
Maraming pagbabago sa aking paningin
Sarili'y di na kailangan ng salamin
Siguradong ako lamang ang iyong iibigin.Kahit ilang ulit man tayong pinaglayo
Pangalan mo'y nakaukit parin sa'king puso
Lalabanan ko lahat ng mga bagyo
Puso'y handang maghintay basta't 'wag lang mabigo.Minsan mang kitang nasaktan
Sigaw ng damdamin ko'y kapatawaran
Puso ko'y iyong pagbigyan
Ang sakit at kirot ay di na mauulit sumpaman.Sarili ko'y di magsasawang alagaan ka
Tala sa langit handang ialay sayo sinta
Pagkat puso nating dalawa'y nakatali na
Dahil ikaw at ako ang nakalaan para sa isa't-isa.- March 15, 2018 9:15AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂