"Tagumpay"

1.2K 13 10
                                    


Hindi man biro ang aking pinagdaanan
Kahirapa'y pilit kong nilalabanan
Pangarap ko'y nais na makamtan
Sa kabila ng lubak-lubak na aking dinadaanan.

Aaminin kong hindi ako perpekto
Makasalan sa paningin ng ibang tao
Nanghihina at nasasaktan din ang puso
Ngunit lahat ng pangunguta'y tinitiis ko.

Maraming beses na akong nadapa
Marami na ding nasasayang na luha
Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa
Balang araw mahahawakan ko din ang Diploma.

Dumating na nga ang tamang pagkakataon
Sa hinahaba-haba ng prosesyon
Hirap at pagod ay biglang napawi
Sayang nadarama'y hindi ko maikulbi.

Salamat sa aking mapagmahal at magigiting na mga magulang
Mga kapatid at malalapit kong kaibigan
Ito na ang tagumpay na ating inaasam-asam
Sa wakas ay mayroon na akong napatunayan.

H'wag kang matakot mangarap
Kakampi mo ang mga tala sa ulap
Ang Panginoog Diyos ay laging gumagabay sayo
Magtiwala ka sa kanya at pangarap mo'y magkakatotoo.

Pagpupugay sa kapwa kong nagsipagtapos ngayon
Maging modelo sana tayo sa bagong henerasyon
Sapagkat tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan
Ang papanday sa edukasyon na tangi nating kayamanan.

-May 28, 2020 1:13AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon