Sa pugad na puno ng dalita't saya
Ay syang nagpapatibay sa anumang sakuna
Takbuha't sandigan ng bawat nanghihina
Nagpapalakas ng pusong naghihinagpis at nangungulila.Di mawari ang kanyang pag-ibig
Handa kang saluhin sa kanyang mga bisig
Kumutan ang puso mong nanlamig
At yakapin ang masalimuot mong daigdig.Sa panahong ika'y tumakbo't lumayo
Puso't isipan mo'y lito't tolero
Di alimtana ang pamilyang nanlulumo
Yumayanig ang poot sa 'yong mundo.Ngunit sa kabila ng iyong ginawa
Pamilya mo'y nakahandang kanlungin ka
Punasan ng panyo ang luha sa 'yong mga mata
Sila'y sabik na muling hagkan at yakapin ka.Galak nila'y walang mapagsidlan
Namulaklak muli ang mga rosas sa tahanan
Muling nabuo ang nasirang pugad ng kanlungan
Senyalis ng nag-uumapaw na pagmamahalan.Kay sarap gumising ng walang pasang problema
Sa lungkot at ligaya kayo'y magkakasama
Pagkat walang hihigit sa pamilyang magka hawak-bisig
Dahil pamilya ang tunay na pugad ng pag-ibig.-Septermber 12, 2019 1:50PM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂