Salat ka man sa yaman at karangyaan
Sa pagmamahal tila wala ng paglalagyan
Nag-uupaw ang pag-ibig ng 'yong pamilya't kaibigan
Para sa kanila'y ikaw ang gintong pinakaiingatan.Di biro ang kwento ng buhay mo
Kakambal mo pa'y pangungutya ng mga tao
Kahit minsa'y muntikan ng gumuho ang 'yong mundo
Ibig mong lumaban para sa pamilya't kinabukasan mo.Naging matatag ka sa anumang pagsubok
Problema mo may 'sing tarik ng bundok
Di ito hadlang upang di mo masilayan ang tanawin sa rurok
Pagkat ito ang nais mo, ang makarating sa tuktok.Lumipas ang mahabang panahon
Sarili mo'y unti-unting nakabangon
Sadyang tunay ang kasabihang "Ang buhay ay parang gulong"
Dahil sa wakas ay nasilayan mo din ang dilim ng kahapon.Salamat! Maraming salamat kay Bathala
Salamat sa pinagkaloob n'yang biyaya
Kung di dahil sa kanya di mo ito matatamasa
Marapat lamang na pahalagahan pagkat ika'y lubos na pinagpala.Walang imposible sa mga taong nagsusumikap
Kahit libu-libo pang sagabal bago matupad ang 'yong pangarap
Isang araw di mo na namalayang ika'y nasa alapaap
Dala ang mga ala-ala ng bawat luha't pawis dulot ng 'yong paghihirap.-October 25, 2018 6:22PM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂