"Pangako"

2.9K 27 2
                                    


Ikaw ang anghel sa aking panaginip
Sa bawat oras ikaw lage ang iniisip
Puso'y di magsasawa kailanman
Pagkat ikaw ang liwanag sa'king nakaraan.

Sa di malamang pagkakataon
Minsan sugat sa puso'y di naghilom
Nasaktan ka sa di tamang panahon
Tumayo ka't katawa'y piliting bumangon.

Sa bawat luha ng iyong mga mata
Magkahalong galit at lungkot aking nadarama
Pakiusap puso mo'y palayain na
Nandito lang ako handang damayan ka.

Puso ko'y sabik sa mga yakap mo
Mga paa ko'y naglalakad papunta sayo
Kakatok sa harap ng iyong pinto
Pagbuksan mo baka sila'y biglang maglaho.

Kahit di biro ang ibigin ka
Patunayan kong ikaw lamang sinta
Nag-iisa kang tala'ng umakit sa'king mga mata
Mahal kita higit pa sa iyong inaakala.

Sabay nating abutin ang mga pangarap natin
Ang kalawaka'y sabay nating lakbayin
Sigaw ng puso'y iyong sundin
Pangako, ikaw lamang ang mamahalin.

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon