Umpisa pa nga lang ng unang buwan
Kagimbal-gimbal na balita agad ang usap-usapan
Umaasang h'wag na sana nating maranasan
Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran.Masamang pangitain nga'y nagkakatotoo
Liwanag sa kalangita'y unti-unting lumalabo
Tila ba'y katapusan na ng mundo
Hiling ng isa't-isa'y sana may darating pang milagro.Krisis, trahedya, gyera at marami pang iba
Mga biktima'y hindi na mabilang sa buong bansa
Libu-libong nagkakasakit, nagugutom at namayapa
Iisa ang sigaw, nawa'y matapos na ang mga sakuna.Hirap ang lumalaganap sa buong daigdig
Masasamang nilalang ang nananaig
Naghahasik ng lagim at tiyak mapanganib
Kanyang kasakima'y 'di magpapadaig.Sumpa ang taong ito sa 'ting mundo
Pagsubok sa 'ting buhay ay 'di na biro
Problema'y wala pang lunas ang mga eksperto
Kailan kaya matatapos ang ating pagsusumamo?Kung may ibang paraan nga lang sana
Lagpasan ang Taong 2020 na puno ng masasamang alaala
Masasakit na karanasa'y sa puso't isipan naka marka
Dulot nitong pandemyang kumakalat at palala.Ika nga, h'wag tayong panghinaan
Muli ding sisikat ang araw sa kalangitan
Malaya ding makakalipad ang mga ibon sa kalawakan
Dala ang pag-asang hinaing ng bansa'y malalagpasan.Dasal ang tangi nating armas
Sa kanya tayo kukuha ng lakas
Puksain itong unos na dumapo sa buong mundo
Kapayapaan at hustisya'y atin din matatamo.-July 13, 2020 7:50PM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoésieMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂