Ang pagmamahal mo may katulad ng rumaragasang tubig sa sapa
Ngunit minsa'y di maiwasang hampasin ng alon ang 'yong mukha
Kahit ang mga naglalakihang bato'y walang nagagawa
Sarili mo pa kaya'y lalaban na tila lantang gulay at wala ng sigla?Sa bawat kidlat sa kalingitan katawan mo'y unti-unting nababasag
May paparating na bagong pag-asa ngunit para bang ika'y naduduwag
Na harapin ang maalong dagat habang ika'y naglalayag
Umaasa ka lamang sa buwan na syang nagbibigay liwanag.Isang araw gumising kang walang mukha
Katawa'y hubo't hubad sa buhangin at nakahiga
Tanging huni ng ibon ang naririnig ng 'yong tenga
Umiiyak at humuhingi ng bagong kalinga.Bigla kang nagising sa katotohanan
Tumayo ka't naglakad sa dalampasigan
Hiling mo'y tangayin ka ng hangin papuntang silangan
Kung saan naghihintay ang muling pagsikat ng kalangitan.Samo't sari man ang pasan ng 'yong damdamin
Sakit sa puso'y h'wag piliting gamutin
Hayaang sugat ng kahapo'y kusang gagaling
Pagkat ika'y minsan ng naging alipin.Katulad mo man ang bulkan kong ika'y magalit
Kaya bawat masasakit na salita sa aki'y dumidikit
Di ko man kayang hawakan ang kumukulong tubig
Kaya kong basahin ang sigaw ng 'yong pag-ibig.- May 11, 2018 9:10PM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂