Sa titig palang ng 'yong mga mata
Kusa ng nahuhulog ang aking panti't bra
Pilit ko mang iwasan ang 'yong mukha
Lalong nagkakasala ang aking kaluluwa.'Yong ngiti mong kay sarap pagmasdan
Nais ng puso kong ika'y mahagkan
Yakapin na para bang aking unan
Sa mga bisig ikulong at di pakakawalan.Pangarap kong ika'y ibigin
Kahit alam kong mahirap kang sungkitin
Lahat ng paraan ay aking gagawin
Puso mo lamang ay mapasaakin.Sana ako nalang ang mahalin mo
Ang laman at sinisigaw na 'yong puso
Damdamin ko sana'y hindi na nabigo
Pagkat ikaw nalang ang kulang sa buhay ko.Gusto kong isigaw ng paulit-ulit ang 'yong pangalan
Sarawat! Na talaga namang tumatak sa 'king isipan
Bakit ba ako nahuhulog sa iyo ng lubusan?
Pagkain ka ba at ako'y sobrang natatakam?Sarawat! Tama na! Paawat na!
Ayoko ng magpakalunod sa 'yong karisma
Tama na itong kilig na aking nadarama
Hanggang sa panaginip lang naman kita makikita.-May 21, 2020 7:15pM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂