"Perlas ng Silangan"

2K 18 2
                                    


Luntian ang iyong kagandahan
Malawak ang iyong kabundukan
Sagana ka sa kapangyarihan
Ika'y napalibutan ng likas na yaman.

Ang mga agos ng tubig sa sapa
Ang syang nagbigay buhay sa t'wina
Sana'y h'wag kulayan ng pula
Dahil ito'y biyayang bigay ng bathala.

Kumikinang-kinang ang iyong karagatan
Nag-uumapaw ang iyong karangyaan
Ika'y dapat na ingatan
Dahil dito nabubuhay ang karamihan.

Tingnan mo ang mga ulap
Taimtim silang nag-uusap
Tila walang balakid na naghihintay
Sa pagsikat ng bukang liwayway.

Ayokong makita kang umiiyak
Dahil lakas ko'y unti-unting bumabagsak
Ayokong mag alay sayo ng bulaklak
Habang buhay mo'y winawasak.

Mga likha mo'y kay ganda tingnan
Kaya ang mga demonyo'y uhaw sa 'yong katawan
Buhay mo'y gusto nilang kitilin
Dugo mo sa katawa'y nais nilang ubusin.

Anong mayroon ka?
Bakit gusto ka nilang makuha?
Pakiusap sinta, lumaban ka't makibaka
Ang pagluluksa'y wala sa 'yong mukha.

Sana'y magising na ang mga mamamayan
Ang mga sulo'y dapat na sindihan
Karapatdapat lamang na ika'y ipaglaban
Dahil ika'y Perlas ng Silangan na dapat pahalagahan.

- I heartily dedicated this Poem to my beloved country, the Philippines! 🇵🇭 😘 Save Mother Earth!

- August 22, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon