Sa isang iglap, mundo'y biglang naparalisa
Agad lumaganap ang sakit na kakaiba
Halos buong bansa'y naghihirap at nagdurusa
Walang pinipili, mahirap man o mayaman ka.Marami na ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay
Maraming pamilya ang nagugutom at namamatay
Dulot ng sakit na ito na hindi masugpo-sugpo
Matindi pa sa bagyo ang napinsala ng virus na ito.Wala pang lunas kaya lalong nakaka praning
Kanya-kanyang diskarte upang ito'y kitilin
Ngunit patuloy parin syang naghahasik ng lagim
Sadyang makapangyarian ang kanyang dating.Sya ang hari sa panahon ngayon
Ngunit kakaiba ang kanyang misyon
Nais nyang pahirapan ang buong sanlibutan
Kya sya kinakatakutan at sinusumpa ng sambayanan.Covid 19 kung sya ay tawagin
Salot sa buong mundo kung tutuusin
Lahat ng eksperto'y hirap syang patayin
Nanganganib ang lahat sapagkat kaya nya tayong ubusin.Kailan kaya sya mawawala sa ating ala-ala?
Tangayin ng alon at maglahong parang bula
Upang mamuhay na ulit tayo ng normal at payapa
Malaya, malayo sa sakit at wala ng pangamba pa.Magkaisa tayo upang sya ay sugpuin
Sabay-sabay tayong manalangin ng taimtim
Pakikinggan din ng Panginoon ang ating mga hiling
Nawa'y isang umaga wala na ang virus sa ating paggising.-May 24, 2020 9:41AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂