"Patawad, Mahal Kong Ina"

2.3K 9 0
                                    

Sa pag dilat ng aking mga mata
Mukha mo na agad ang aking nakikita
Di ko man tiyak kung sino ka talaga
Alam kong kakaiba ang siglang iyong nadarama.

Sa bawat umaga at sa gabi
Walang puwang ang mga ngiti mo sa labi
Marinig mo lamang ang aking mga hikbi
Tila sarili mo'y di na mapakali.

Dahil sayo nakita ko ang liwanag ng mundo
Ikaw ang nag silbing sulo sa dinadaanan ko
Sa bawat segundo't minuto ika'y naka alerto
Tinitiyak mong walang lamok ang dadapo.

Ang mga palad mo ang aking gabay
Sa landas na aking tinataglay 
Dama ko ang haplos ng iyong mga kamay
Hanggang sa makamit ko ang tagumpay.

Ngunit sa madilim kong pinagdadaanan
Walang ilaw ang aking nasisilayan
Kahit ang mga bituin sa langit tila nakaramdam
Sa bigat na problema na aking pinapasan.

Nasaan ka na oh aking Ina?
Matagal na akong nagsusumamo
Kailangan ko ang mga yakap mo
Katawan ko'y naka dapa't di makatayo
Sarili ko'y nalugmok sa masamang bisyo.

Malayo ka pa ay tanaw na kita
Ngunit rehas na bakal ang pumagitna sa 'ting dalawa
Gusto kitang hawakan ngunit di ko magawa
Nag mistulang baha ang luha sa 'yong mga mata.

Puso ko'y unti-unting nadudurog
Mga mata'y nakatingin lamang sa buwan na bilog
Hiling ko'y makasama ka sa aking pagtulog
Ngunit ang pangarap ko'y tinangay ng alon sa ilog.

Patawad, aking mahal na Ina
Ang saktan ka ay di ko sinasadya
Balang araw sabay nating yakapin ang umaga
At ang mga ibo'y kakanta sa muli nating pagkikita.

- This Poem is dedicated to all our loving Mother on Earth!

- November 14, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon