"Halina't Magdiwang Ng Pasko"

491 2 0
                                    


Halina't magdiwang tayo ng pasko
Problema'y pansamantalang ilayo
Maraming beses man tayong binagyo
Bumangon tayo't sarili ay itayo.

Nakakamangha ang mga tanawin
Sumasayaw ang ilaw kasabay ng hangin
Tila'y napalibutan ng alitaptap ang mga hardin
Masayang lumilipad ang aking paningin.

Ang gabing nabalot ng lamig
Naghihintay na mahagkan mo ang aking bibig
Unti-unting nag-aapoy ng ika'y marining
Maniwala ka't Pasko'y pag-ibig.

Di maipinta ang saya sa 'king mukha
Puso ko'y nagagalak na ika'y makita
Sa pasko nais na ika'y makasama
Halina't sabay tayong magdiwang ng pasko sinta.

Napuno na ng tao ang simbahan
Halos lahat ay nagsipagpuntahan
Ang mga anghel ay nagsimula ng magsiawitan
Sabayan natin ng indak at sumayaw sa bulwagan.

Wala ng sasaya pa pag ika'y kasama
Hiling ng puso kong uhaw ay natupad na
Sana'y katabi pa kita paggising sa umaga
Nang pasko'y magniningning sa ligaya't tuwa.

- December 24, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon