Sa iyong paglisan
Sakit at lungkot ang aming nararamdaman
Tulala at di makapaniwalang ang mundo'y iyong iniwan
Sapagkat hangad naming ika'y gumaling na ng lubusan.Ngunit ang buhay natin ay hiram lamang
Walang nagmamay-ari kahit sino man
Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam
Sa buhay natin dito sa mundong ating ginagalawan.Sa kabila ng iyong paghihirap
Ito'y matapang mong hinarap
Alam kong iisa lang ang ating pinapangarap
Ang gumaling ka ng tuluyan at muling mangarap.Siguro nga ito na ang tamang pagkakataon
Ang makapagpahinga ka kasama ang ating Panginoon
Alam kong di ka nya pababayaan
Lalo na ang sakit at kirot ng kahapo'y di mo na mararamdaman.Isa kang matapang na Anak, Ina at Asawa
Ang iyong paglaban ay kahanga-hanga
Di ka bumitaw hanggang sa huli mong hininga
Ang iyong kadakilaa'y isang magandang ala-ala.Salamat!
Isa kang inspirasyon sa nakakarami
Ang busilak mong puso sa ami'y manatili
Aming ipagpatuloy ang iyong nasimulan
Ang tumulong at paglingkuran ang kapwa nating kababayan.Paalam, Kapatid!
Lumipad ka ng malaya at wag mag alinlangan
Batid namin ang iyong katahimikan at kapayapaan
Sa muli nating pagkikita, sabay nating lakbayin ang kalawakan.- This poem is dedicated to my friend and fellow athlete named Amor Bautista Baylosis who died of Cancer last January 2017. She was one of the founder of Filipino Runners United organization in UAE who supports our distressed fellow Kababayans.
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂