"Sa Tatay Naming...."

408 5 0
                                    


Bagong taon ng 2014 ng ika'y aking makita't makilala
Kasama ang 'yong tatlong mga anak at butihing asawang maganda
Tagapangulo ka daw ng isang organisasyon ng mananakbo ayon sa aking balita
Ngunit bakit ang lusog-lusog ng katawan mo pati ang 'yong mukha?

Itay, h'wag kang magtampo sa akin sapagkat biro lang naman
Alam kong puso mo'y sabik din sa takbuhan
Sadyang hindi lang talaga kapani-paniwala kung ika'y tingan
Gayunpaman ang didikasyon mo'y di kayang pantayan.

Wala man sa 'yong hitsura ang pagiging atleta mo
Kahit hindi ka man ganoon ka macho tulad ng inaasahan ko
Ngunit ang bawat salitang nabanggit mo tungkol sa pagtakbo
Ang s'yang nagpapasabik at nagpapatibok muli sa aming puso.

Ikaw ang Tatay naming may puso at malasakit
Nawa'y di ka magsasawa sa aming mga makukulit
Minsan may ulo mo sa ami'y kumukulo't umiinit
Isipin mong naglalambing lamang ang 'yong mga bulilit.

Sabi mo pa nga, tumakbo ka lang hanggat saan ang kaya mo
Nandito naman ang FRU handang tumulong at umalalay sayo
Hindi lang ito basta organisasyon kundi pamilya tayo
Kaya't ito ang dahilan kung bakit ang FRU'y nakaukit sa aming mga puso.

Maraming salamat sa pagmamahal mong wagas
Kung di dahil sa'yo malamang sa takbuhan kami'y aatras
Dahil isa kang alamat at kahit ni minsa'y sa takbuhan di ka umatras
Asahan mong sasamahan ka naming muli kahit sapatos nami'y aabuting butas-butas.

Maligayang Bati sa iyong Kaarawan! 🎂🍻😘

- May 26, 2018    10:58AM

Dedicated this poem to our beloved Tatay FC, chairman of Filipino Runners United in UAE

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon