Hindi man iniluwal ng iisang magulang
Ngunit pinagtagpo naman ng kapalaran
Para bang tadhana'y tila nakakaramdam
Inakay ang mga paang magsabay sa takbuhan.Sa una'y tila pa may pag-aalinlangan
Bawat sarili'y hindi pa kilalang lubusan
Habang unti-unting lumipas ang mga araw
Nagkaunawan ng kanya-kanyang salita at galaw.Magugulo at maiingay ngunit masasaya sa t'wing magkakasama
Tiyak na maninigas ang mga panga mo sa katatawa
Gayunman sa pagtutulungan ay walang patlang
Walang pinipili, anumang lahi ka man kabilang.Kalauna'y pinagtibay ng panahon ang pagkakaibigan
Kasing higpit ng sinturon ang pagmamahalan
Sinubok man ng maraming beses na di pagkakaunawaan
Pag-ibig sa bawat isa'y hindi mapaparam.Magkakasama sa bawat ensayo
Magkaagapay hanggang sa kami ay matoto
Mula sa pag langoy, padyak at takbo
Lalo na ang pamumundok na malapit din sa aming mga puso.Sa bawat karera na aming tinatahak
Mawawaglit ang anumang hirap, pagod at sakit tiyak
Malapit o malayong distansya mang karera iyan
Alam namin na may isang grupong naghihintay sa kaduluhan.Iisa lamang ang aming adhikain
Ang kumalinga at magbigay inspirasyon sa kapwa natin
Lalo't higit kung usapan ay pagkain
Tiyak sa ami'y hindi ka namin gugutumin.Ganito ang pamilyang FRU
Matibay sa kabila ng maraming unos at bagyo
May mga dumating, lumisan at lumayo
Ngunit ang tahana'y mananatiling bukas para sa lahat ng may gusto.Tutulong kami sa abot ng aming makakaya
Makita lamang namin ang ngiti sa inyong mga mata
Mga puso nami'y nag-uumapaw sa galak at saya
"FRU, We Run, We Serve", ika nga.Happy 10th year, FRU!
Ang Pamilyang tumatak sa aming isipan at puso
Maraming salamat sa walang humpay mong tulong at serbisyo
Kung hindi dahil sayo, wala kami sa larangang ito.-April 27, 2020 4:27PM
Dedicated this Poem on the 10th year anniversary of the Filipino Runners United, a Filipino running group in UAE. This coming May 10, 2020.
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂