Dahil kaarawan mo ngayon
Alay ko'y tulang isinulat ko sa dahon
Bawat salita'y may iba't-ibang bersyon
At nagpapahayag ng samo't saring emosyon.Noong Mayo 3, 1944 ng ika'y isilang
Dala ang umagang may magandang kinabukasan
Ngunit iba ang bulong ng 'yong kapalaran
Pagkat maaga kang naging magulang.Hindi man biro ang naging buhay mo
Ni minsa'y hindi ka umatras at sumuko
Kahit isipan mo'y lumilipad at litong-lito
Sa mga bagay na hawak ng mga palad mo.Hirap, pagod, puyat, luha't pagdurusa
Paulit-ulit mo itong natatamasa
Bagkus araw-araw kang pinagtibay ng tadhana
Dala ang tiwalang natatangi kang Ina.Nagluwal ka ng siyam na sanggol
Magulo't maingay katulad ng tambol
Isa sa ami'y kaya mong ipagtanggol
H'wag lamang kami yanigin ng lindol.Hindi sapat ang salitang salamat
Sa mga problemang pasan-pasan ng 'yong balikat
Hangad naming bawasan gamit ang lambat
Sapagkat pagmamahal na alay mo sa ami'y di nasusukat.Inay, mahal na mahal ka namin
Natatangi kang rosas sa aming paningin
Ika'y nag-niningning katulad ng mga bituin
Palagi kang kasama sa aming mga panalangin.Patawad sa aming mga pagkakamali
Hayaan mong kami ay makabawi
Sa mga pagkukulang naming di maikubli
Pangakong may pintang saya muli sa 'yong mga labi.Nais lamang namin na malaman mo
Taas noo ka naming ipagmamalaki sa buong mundo
Ang kabayanihan mo'y di kayang tumbasan ng ginto
Sadyang kakambal mo'y isang busilak ang puso.Mabuhay ka, aming dakilang Ina!
Saludo kami sa lahat ng 'yong mga ginagawa
Patnubayan ka sana ng ating Diyos Ama
Nawa'y tumagal pa ang ating pagsasama.- May 3, 2018 5:14AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂