Salamat dahil may isang katulad mo
Na bumihag sa aming mga puso
Mapagmahal sa bayan at sa kapwa tao.Sa sandaling tayo'y nagkasama
Buhay namin naging maligaya
Dahil sa'yo mabait naming Kuya.Salamat sa'yo
Dahil mga buhay namin ay binago mo
Nagiging mabuti kami at buo ang puso.H'wag mong isiping nag-iisa ka
Karamay mo lagi kami Kuya
Sasama sa'yo at makikiisa
Sa isang adhikaing mapagpalaya.Dahil sayo marami kaming natutunan
Hindi lang sa pag-arte, pagsayaw, pagsulat at pagkanta
Kundi ang pagiging tunay na makabayan.Sa maikling panahong ating pinagsamahan
H'wag mo sana kaming makalimutan
Mga pasaway mong kabigan
Tunay at palaban.Salamat ng marami sa'yo
Dahil naging bahagi kami ng buhay mo
Wala na kaming masasabi pa
Da best ka talaga Kuya.Dahil ngayon ay kaarawan mo
Babati kami sa'yo ng maligayang pasko
Este Happy Birthday to you
Wala man kaming dalang regalo
Ngunit naka ukit ka sa aming mga puso.- A simple present to my beloved Kuya Edge on his birthday! 😘
![](https://img.wattpad.com/cover/115481225-288-k265500.jpg)
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂