"Mudrabels"

201 7 0
                                    


Umpisa pa lang ng umaga
Katulad na ng armalite ang kanyang bunganga
Sinong makakalimot sa mga sermon nya
Lalo na kung katawan mo'y nasa kama at nakahilata pa.

Lagi syang galit na 'di mo maintindihan
Utos ng utos na para bang walang katapusan
Sya ang batas at masusunod sa loob ng tahanan
Lagot ka kung 'di mo susundin lahat ng kanyang patakaran.

Ayaw nya na lagi kang nasa labas
Hindi pumapayag kahit maghapon kang mag-aaklas
Kaya ang ginagawa ng iba'y tumatakas
Masunod lamang ang nais nilang makaalpas.

Madalas 'di mo sya makikitang naka ngiti
Lalo na kung may nagawa kang pagkakamali
Kahit anong lambing ang pilit mong gawin
Minsa'y hindi naaantig ang kanyang damdamin.

Mapapaisip ka nalang kung bakit sya mahigpit
Konting pagkakamali mo lamang agad syang nagagalit
Siguro nga ganoon lang talaga mag mahal ang Ina
Mukhang matapang ngunit puso'y lumalambot din pala.

Ganyan na ganyan ang Mudrabels ko
Mabunganga, mahigpit ngunit may punto
Sa kabila ng mga pagkukulang at pagkakamali ko
Naniniwala akong may puwang parin ako sa kanyang puso.

Mahal na mahal kita, aking Ina!
Salamat sa sakripisyo't pag-aaruga
Kung hindi dahil sayo 'di ko masisilayan ang mundo
Pangakong mananatili kang nakaukit sa aking puso.

-May 9, 2020 10:02AM

Mabuhay ang mga Dakilang Ina sa buong mundo! ❤️

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon