"H'wag Bumitaw"

325 6 0
                                    


Sa likod ng mga ngiti mong kay tamis
Nakatago ang kirot na pilit mong tinitiis
Damdaming matagal ng naghihinagpis
Nais na magpakalunod sa tubig sa batis.

Minsan ka mang napag-iwanan ng panahon
H'wag mawalan ng pag-asang ika'y makakaahon
Tadhana ma'y hindi sumang-ayon sa ngayon
Balang araw makakalipad ka rin katulad ng mga ibon.

Maraming beses ka mang nadapa
'Di na mabilang ang sakit na 'yong nadarama
May katumbas din ang bawat patak ng 'yong mga luha
Nakaabang ang liwanag pagmulat ng 'yong mga mata.

Palakasin ang naghihingalo mong sarili
Ibaon sa lupa ang poot na di maikubli
Kalimutan ang mga bagay na wala ng silbi
Higpitan ang 'yong kapit sa lubid ng di na mawaksi.

H'wag kang bumitaw sa 'yong mga pangarap
Saranggola mo'y paliparin sa alapaap
Labanan ang takot na 'yong hinaharap
Magdasal ng taimtim habang nakatingala sa ulap.

Hindi ka nya pababayan kailanman
Pagsubok lang ito na dapat mong malagpasan
Patatagin ang tiwala ng 'yong puso't isipan
Masusungkit mo rin ang tagumpay na 'yong inasaam.

-July 9, 2020   10:52AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon