Sa di kalayua'y tanaw na namin ang tila ilaw ng mga alitaptap
Hudyat na paparating na ang mga mananakbong mula sa alapaap
Kaya kami ay di na mapakali halos sa isang iglap
Sabay binuksan mga pagkaing kanina pa nilang hinahanap.Matapos nilang mag cool down ng ilang minuto
Hanap agad nila'y saan nakalagay ang baso
Tila ubos na ang kanilang mga laway sa kakalunok
Malamig na tubig ang katapat sa katawan nilang umuusok.Fanta at cola ang sagot sa uhaw nilang lalamunan
Isa-isa sila sa ami'y nagsilapitan at parang basa sa ulan
Bitbit ang maliit na basong yelo ang laman
Nagmamadaling makainom na tila ba'y mauubusan.Pakwan, kahel, saging, chocolate at tinapay
Mga pagkaing hawak-hawak ng aming mga kamay
Nilalako't tinitiyak na makakain ang buong hamay
Upang di na maghapunan pagkauwi sa kanilang bahay."Basura! Basura! Basura!" Sigaw ng isa naming kasama
Bitbit ang isang plastic bag at lumalapit sa bawat isa
Pagkat basura'y dapat na ligpitin ng di nagkalat sa kalsada
Kaya't mainam na ito'y malinis matapos maubos ang paninda.Hay! Nakakapod man ngunit may halong galak
Kay sarap pakinggan ang kanilang mga halakhak
Asahan nyong sa susunod mas masarap ang pantulak
Nang katawang lupa nyo'y di tuluyang bumagsak.- June 5, 2018 1:50PM
- From Refreshment Team during RUNmadan Challenge 2018 Season 6
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PuisiMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂