Sa gabing payapa
Mata ko'y nakatingin sa mga tala
Humihiling ng isang himala
Nawa'y pag bigyan ni bathala.Isipan ko'y gustong lumipad
Kahit saan mang lugar mapadpad
Ngunit mga paa ko'y 'di umuusad
Tila may sumpa yata sa 'king mga palad.Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa
Bawat lungkot may katumbas ding ligaya
Makulimlim man ang mga ulap sa ngayon
Bukas ng umaga'y nakangiti na ang langit hanggang dapit-hapon.Araw, buwan, taon, tila kay bilis
Parang kailan lang ng ako'y putulan ng bigkis
Bawat pitik ng segundo'y lalong bumibilis
Pagsubok sa 'king buhay 'di ko na matitiis.Sa loob ng Treinta Y Cuatro anyos
Di ko na mabilang ang dumadaang unos
Ngunit nagpapasalamat parin ako ng lubos
Sapagkat ang bawat hagupit ng bagyo'y aking nairaraos.Salamat Ama sa panibagong yugto ng aking buhay
Sa mga biyaya at ala-alang walang kapantay
Buong pagpapuri sa iyo ay aking ialay
Salamat sa pagmamahal mong walang humpay.Maraming salamat din sa aking pamilya't kaibigan
Sa oras ng problema kayo ang aking sandigan
Nagpapalakas sa nanghihina kong puso't isipan
Ang inyong kabutiha'y mananatiling inspirasyon magpakailaman.-November 14, 2020. 2:23AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂