Madilim man sa ngayon ang 'yong dinadaanan
Alam kong may sinag ng liwanag sa di kalayuan
Kaya't puso't isipan mo'y h'wag panghinaan
Piliting itayo ang 'yong sarili sa higaan.Ramdam ko ang 'yong paghihignapis
Umaalingaw-ngaw tulad ng ingay ng batis
Hayaan mong luha'y kusang dadaloy
Karamay mo kami sa 'yong mga panaghoy.Lumaban ka't h'wag maging duwag
Pangarap mo'y h'wag hayaang mabasag
Kasama mo kami sa 'yong paglalayag
Hawak kamay tayo ng di ka tuluyang malaglag.Alalahanin mong may mga naghihintay
Mahigpit na yakap mula sa 'yong Nanay at Tatay
Mga kapatid, kaibigan na patuloy kang pinagdadasal
Sa aming mga bisig h'wag kang mahiyang sumandal.Pakiusap kaibigan h'wag kang bumitaw
Mahirap ngunit tapang dapat ang mangingibabaw
Takot sa 'yong puso't isipa'y iwaksi
Pagkat sila'y sagabal sa 'yong mga minimithi.Shang! Mahal na mahal ka namin
Ramdam namin ang bulong ng 'yong damdamin
Nawa'y dinggin ng ating Panginoon aming hiling
Pagkat nais naming ika'y makasama pa't makapiling.- July 21, 2018 11:34AM
Dedicated this Poem to my dear friend Daryll Quezada
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoesíaMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂