"Patak ng mga Luha"

1.8K 10 0
                                    


Sa bawat patak ng mga luha
Katumbas ang pinatay na ligaya
Walang gabing hindi nagluluksa
Sa araw-araw gusto kang makita.

Ang iyong huling ngiti
Sa aking ala-ala'y manatili
Mga halik mo sa aking labi
Iniisip sa bawat umpisa ng gabi.

Malawak man ang mundo
Ikaw pa rin ang hinahanap nitong puso
Mananatiling bukas ang aking pinto
Handang mag hintay sa pagbalik mo.

Nangako kang hindi ako paluluhain
Ngunit iba ang tibok ng aking damdamin
Kahit pilit man kitang limutin
Mukha mo'y di mawala sa'king paningin.

Sana'y isa nalang akong bato
Matigas di katulad ng puso
Hindi na sana nabasag ito
Di na sana iiyak at maghihingalo.

Balang araw mata ko'y di na luluha
Sugat ng puso'y maghilom na
Ang mga tala'y kumikinang-kinang na sa ganda
At ang araw ay naka ngiti na sa tuwa.

- September 30, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon