"Ramadan Kareem"

198 7 0
                                    


Ito'y banal na buwan kung ituring
Sakripisyo kung ito'y tawagin
Puno ng pagdarasal at panalangin
Umaasang matupad ang mga hiling.

Pag-aayuno ang kanilang paraan
Upang hugasan ang mga kasalanan
Hindi lang ng sarili kundi ng buong sanlibutan
Pag-uunawaan ang sigaw at kapayapaan.

Ito ang panahon ng pagkakaisa
Ang oras upang puso'y magparaya
Pagkat iyon ang salita ng mahal na Allah
Ang yakapin at patawarin ang kapwa.

Hindi man ito madaling gawin
Walang mahirap kung bukal sa 'yong damdamin
Marami mang balakid sa paningin
Sadyang nangingibabaw ang tunay na adhikain.

Panahon din ito upang pamilya'y maging buo
Sama-sama sa oras ng salu-salo
Kay sarap damhin sa pakiramdam
Nag-uumapaw ang tunay na pagmamahalan.

Ramadan Kareem!
Lalo na sa mga kapatid nating muslim
Hawak kamay tayong manalangin
Problema ng mundo'y sabay nating wakasan at sugpuin.

-April 24, 2020   8:19AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon