Noong di ka pa nagluwal
Tiyan mo'y 'sing tigas ng bakal
Siyam na buwan kang naging kawal
Sa isang sanggol na kong ituring ay banal.Nang araw ay aming nasilayan
Tinitiyak mong hindi kami maarawan
Bawat pawis agad mong pinapahiran
Nang lampin sa 'yong kanlungan.Bawat malakas na pintig ng aming pulso
Kaba sa 'yong dibdib di maitago
Iisa lamang ang sigaw ng ating mga puso
Ang labanan ang unos ng bagyo.Makita mo lang ang aming mga ngiti
Puyat at pagod mo'y biglang napapawi
Sa aming bungisngis ika'y nabighani
Nagmamarka ng simpleng pinta sa 'yong mga labi.Dugo mo sa ami'y nananalaytay
Bigkis mo ang syang nag-uugnay
Sa ami'y nagbibigay liwanag ng buhay
Kaya't pagmamahal mo'y walang kapantay.Biyaya ka sa amin ng Panginoon
Ina kang may kaakibat na misyon
Ang magbigay gabay sa aming daan
Patungo sa magandang kinabukasan.- May 12, 2018 10:43AM
Dedicated this Poem to all Mothers on Earth!
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂