Sa di inaasahang pagkakataon
Ako'y napasulyap at napalingon
Mga mata ko'y gustong sumabay sa agos ng alon
Tila unti-unting nahuhulog na parang dahon.Nang tayo'y biglang nag-usap
Bigla akong napatingin sa mga ulap
Gusto agad kitang mayakap
At katawan mo'y dalhin sa alapaap.Isang araw ng muli tayong nagkita
Puso ko'y biglang nabuhay at sumigla
Kahit sandali lang tayong nagkakilala
Mga puso nati'y malapit na agad sa isa't-isa.Ngunit ang di mo lang alam
Puso ko'y may kakaibang nararamdaman
Biglang sasabog na parang bulkan
At di ko kayang pigilan kailanman.Di ko kayang aminin sayo ang totoo
Baka pagkakaibigan nati'y biglang magbago
Ayokong mapalayo sa piling mo
Sapagkat di ko kakayanin pag ika'y mawala sa tabi ko.Napagparaya naman itong aking damdamin
Kaya lahat ng pagsubok ay kaya kong harapin
Pagmamahal ko sayo'y kayang pigilin
Mananatili lamang ang pagkakaibigan natin.- November 26, 2017
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂