"Pusong Sawi"

3.2K 16 0
                                    


Minsa'y ayoko ng ibuka ang aking mga mata
Mas pipiliin ko nalang ang gabi sa umaga
Anino mo'y h'wag ko lamang makita
Katawan ko'y gustong ibaon sa lupa.

Puso ko'y pagod na sa kahihintay
Katawan ko'y matigas pa sa isang bangkay
Gusto ko mang bumangon mula sa hukay
Ngunit pagmamahalan natin ay wala ng saysay.

Maraming beses mo 'kong nasaktan
Paulit-ulit mo 'kong sinasagasaan
Katawan ko'y ginamit mo lamang
Pakiusap h'wag na tayong maglukuhan.

Di pa ba sapat ang pagmamahal ko sayo?
Ginagawa ko naman lahat ng gusto mo
Santo na nga ang turing ko sayo
Kulang pa ba ang mga panalangin ko?

Oh! 'Bat kay hirap mong sungkitin
Tulad ka rin ba ng mga bituin?
Maganda lang sa unang tingin
Pahirap pala ang dulot sa 'king damdamin.

Minsa'y gusto ko nalang maging bingi
Tila ba'y wala na 'kong silbi
Kaya palaisipan sa 'king sarili
Bakit puso'y lagi nalang nasasaktan at sawi?

- August 23, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon