"Huling Hiling"

390 5 0
                                    


H'wag kang umiyak
Pagkat ako'y hindi mawawala
Sa puntod ko'y iwan mo ang bulaklak
At panatilihing may sindi ang kandila.

Ako'y maglalakbay lamang
Sa kalawakang walang humpay
Mga alaala nati'y h'wag kalimutan
Sa pagbalik ko muli tayong maglakbay.

Tama na ang pangungulila
Pagluluksa mo'y kirot ng aking damdamin
Hayaan ang puso mong lumaya
Dahil sugat ng kahapo'y maghilom rin.

Lumakad ka't h'wag ng lumingon
Sa gabing madilim h'wag maging duwag
Pakinggan ang bawat wisik ng alon
Batid kong makita mo ang liwanag.

Puntod ko'y iyong dalawin
Pangakong di kita pababayaan
Mga mata ko sayo lamang nakatingin
At di magsasawang ika'y bantayan.

Patawad kung ako may nabigo
Masakit ngunit wala na 'kong magagawa
Sadyang pintig ng pulso'y huminto
Balang araw mga puso nati'y muling magkasama.

- February 25, 2018    3:04PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon