"Salamat, Frontliners!"

854 6 8
                                    


Mga Bagong Bayani kung sila'y ituring
'Di matatawaran ang kanya-kanyang adihikain
Kalusugan ma'y kapalit sa kanilang mga tungkulin
Kahit mapanganib, lakas loob nila itong haharapin.

Sila ang lagi nating takbuhan kung kailangan
Sasagip sa nanghihina nating kalusugan
Dulot nitong sakit na laganap sa buong bayan
Buhay nila'y handang ialay kay kamatayan.

Katawan man nila'y pagod ngunit 'di susuko
Kulang sa tulog, minsa'y di na magawang tumayo
Ngunit iniisip ang pasyenteng humihingi ng saklulo
Masagip lamang at h'wag tuluyang tumigil ang pagpitik ng pulso.

Pangangailangan man nila minsa'y hindi sapat
Sariling katawa'y hindi protektado sa sakit na kumakalat
Hindi iyon hadlang upang itigil ang kanilang serbisyo
Bagkus, patuloy silang nakakikipaglaban para sa kaligtasan ng bawat tao.

Maraming salamat sa ating mga Frontliners na matatapang
Hindi kayo malilimutan ng ating kasaysayan kailanman
Ang inyong kabutiha'y manatili sa aming puso't isipan
Ang inyong pagmamahal na inalaan para sa bayan ay 'di masusuklian.

Pagpupugay din sa bawat Frontlines na nagbuwis ng buhay
Ang inyong kamatayan ay hindi mawawalan ng saysay
Buong puso ang aming respeto't pag saludo sa inyo
Hanggang sa muli, maraming salamat sa 'di mababayaran ninyong sakripisyo.

-July 11, 2020    12:35PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon