"Love pa More"

495 11 0
                                    


Ikaw ang dumurog nitong aking puso
Pusong di nakikita ng mga mata mo
Mga matang di nagsasabi ng totoo
Na ang totoo ay sinaktan mo lang ako.

Maraming beses na akong naging tanga
Tanga sa pag-ibig na di ko nakikita
Nakikita ko lang ay isang anino sa bintana
Bintanang bukas ngunit walang mga mata.

Nasaan ka oh aking pag-ibig?
Pag-ibig na bumuhos sa 'king daigdig
Daigdig na bigla mong niyanig
Niyanig hanggang sa puso ko'y nawalan ng pintig.

Ito ba ang sinasabi mong pagmamahal?
Pagmamahal na maraming sagabal
Sagabal na di kayang pigilan ng aking kawal
Kawal na tanging pag-ibig ang umiiral.

Tila ba ako'y pinarusahan
Pinarusahan ng di alam ang dahilan
Dahilan kung bakit puso ko'y sugatan
Sugatan sa isang digmaang walang patutunguhan.

Tama na! Ayoko na!
Ayoko ng makita ang iyong mukha
Mukhang nabalot ng iba't-ibang maskara
Maskarang nagpapaluha sa aking mga mata.

- February 8, 2018 11:38AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon