Sa gabing unti-unting dumidilim
Anino mo'y naka dungaw sa tubig na malalim
Ang kalangita'y naging makulimlim
Ngayo'y nagluluksa ang 'yong damdamin.Ang Tulay ang ating tagpuan
Saksi ito ng ika'y aking unang hinalikan
Ang kasiyahan nati'y walang mapagsidlan
Nag-uumapaw sa galak ang ating pag-iibigan.Binagyo man ngunit matibay pa rin
Kasing tibay ng pagmamahalan natin
Ang tibok ng puso'y dapat na sundin
Tanging ito lamang ang nag-uugnay sa atin.Pag ika'y kasama
Galak ko sa mukha'y di maipinta
Sarili ko'y handang damayan ka
Aabutin man tayo hanggang umaga.Sa oras ng ating tampuhan
Ang Tulay ang madalas kong takbuhan
Walang kausap kundi ang buwan
Umaasang sugat sa puso'y mababawasan.Hintayin ko ang 'yong pagbabalik
Puso ko'y sabik sa 'yong mga halik
Sa Tulay muli tayong mag sumpaan
Masasayang alaala muli nating balikan.- September 14, 2017
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoesíaMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂