Dear Self! Kumusta ka? Kaya mo pa ba?
Ramdam ko ang inip na iyong nadarama
Ang mga pangarap mong tila ba'y naglaho na
Tandaan, h'wag mawalan ng pag-asa at tiwala.
Sa wari ko ay kaya mo naman
Huminga ng malamin kung nahihirapan
Huhupa din ang malakas na pagbuhos ng ulan
At muli ding sisikat ang araw sa kalangitan.
Minsan ka mang nakulong sa madilim na sulok
Isiping isa lamang itong malaking pagsubok
Sadyang kay hirap akyatin ang bundok
Balang araw masisilayan mo rin ang tuktok.
Kaya't ano pa ang iyong hinihintay?
Tumayo, gumalaw at umawra ng walang humpay
H'wag sayangin ang gandang 'di nakakaumay
Kasing ganda ng gising ng bukang liwayway.Mangarap at magsimulang muli
Pandayin at lalong patatagin ang sarili
Sa maliwanag at nakakaakit na buwan
Nakaukit ang sagot sa iyong mga katanungan.Salamat sa ating mahal na Ama
Sa buhay at biyayang pinagkaloob niya
Pagsubok ma'y hindi matapos-tapos
Kaya mong labanan ang anumang unos.Sa kabila ng kaliwa't kanan mong pinagdaanan
Tuloy ang ikot ng mundong iyong ginagalawan
Itapon, kalimutan ang bangungot sa nakaraan
Tumingin sa langit, humiling, tiyak ika'y pagbibigyan.Happy 35th Self! ❤️
-November 14, 2021 5:14AM

BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂