"Ang Buhay Natin"

38K 48 14
                                    


Ang buhay natin magulo minsan
Tibay at tiyaga ang kailangan
H'wag magpapadala sa mga problema
Dahil sa ating buhay palagi yang makakasama.

May mga pagkakataon ding tayo'y masaya
Pero 'di ibig sabihin walang problema
Sa bawat ngiti natin
Kapalit nito'y sakit sa ating damdamin.

Habang lumilipas ang mga taon sa ating paglaki
Pagsubok sa 'ting buhay lalong dumarami
Ang iba'y balewala lang
Ang iba nama'y nakatali na sa ating isipan.

Kung minsan tayo'y bigo
Isipin lang ang buhay ay mapagbiro
May pagkakataong umasa tayo
Sa mga bagay na 'di para sayo.

Kaya payo lang kaibigan
Ngiti lang pag nasaktan
Problema'y kalimutan pa minsan-minsan
Kahit papaano ang problema mo'y mababawasan.

Tanggapin mo kung anong meron ka
Sarili mo ay h'wag ikahiya
Talentong angkin ay iyong ipakita
Dahil ang buhay natin ay isang napakagandang biyaya.

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon