"Luntiang Paraiso"

295 4 0
                                    

Matatayog ang kanyang bundok
Sya'y napalibutan ng mapuputing usok
Kamangha-mangha tingnan sa tuktok
Ngunit sya'y nabalot ng maraming pagsubok.

Sagana sya sa likas na yaman
Kaakit-akit ang kanyang kagandahan
Malaya't malayo sana sa kulungan
Subalit sya'y walang awang pinarusahan.

Luntian ang kanyang paraiso
Ngunit sadyang may sakim na angkinin ito
Kaya't buhok nya'y unti-unting kinalbo
Katawa'y hinubaran at inabuso ng husto.

Luha nya'y kasing dami ng daloy ng tubig sa ilog
Kalangita'y dahan-dahang kumidlat at kumulog
Biglang bumuhos ang ulan na akala mong sumabog
Nakikiramay na parang kanyang mahal na Irog.

Hanggang kailan kaya sya magluluksa?
Kanyang luntiang paraiso'y sisibol pa ba?
Muli pa kaya sya makarinig ng huni ng ibon?
At dampi ng hangin sa luntiang dahon?

Paraiso kung sya'y tawagin
Ngunit sakit sa puso ang mga tanawin
Kulay itim na ang buga ng hangin
Tuluyang binulag ang kanyang paningin.

-April 23, 2020 11:03PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon