"Ligaya"

4.8K 58 17
                                    


Isa kang talang gusto kong angkinin
Ika'y nagbibigay tuwa sa'king damdamin
Di ko akalaing ika'y iibigin
Nawa'y ito na ang sagot sa'king mga panalangin.

Kumakatok kong puso'y iyong pagbuksan
Pagsusumamo'y iyong pakinggan
Puso ko'y wag ng pahirapan
Makakaasa kang di ka nya sasaktan.

Sa gabi ika'y iniisip
Hiling kong makita ka sa'king panaginip
Tayo'y lumikha ng magagandang alaala
Puso nating dalawa'y sigaw ng tadhana.

Oh! Kay tagal kang hinintay
Ang natutulog kong puso'y biglang nabuhay
Umaasa sa sikat ng bukang liwayway
Ikaw lamang ang mamahalin sa habambuhay.

Oh! Aking Ligaya
Sundan mo ang mga hampas ng hangin
Hiling ko'y iyong dinggin
At puso ko'y iyong tanggapin
Pangako, ikaw lamang ang iibigin.

Ligaya, Ligaya, Ligaya!
Tumingin ka sa dalawa kong mga mata
Basahin mo ang iyong nakikita
Bulong nya'y mahal na mahal ka.

- September 25, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon