Katulad ka ng isang rosas sa hardin
Kasing ningning mo sa langit ang mga bituin
Iniingatan at pakamamahalin
Pagkat ikaw ang diwata sa kanilang paningin.Kapuri-puri ang iyong kagandahan
Kaya't ika'y pilit na pinapantasyahan
Nais na angkinin ang iyong kaharian
At gawing alipin sa kanilang kanlungan.Ngunit hindi mo katulad si Maria Clara
May kakaibang tapang sa iyong mukha
Ika'y matatag at isang dalubhasa
Kaya mong labanan ang mga mapagsamantala.Isinilang ka mang Babae
Hindi ka dapat nagpapaalila't nagpapaapi
Tumayo ka't patatagin ang iyong sarili
Hangad naming malaya kang nakangiti.Minsan ka mang pinaglalaruan
Katawan mo'y ginamit lang at pinapahirapan
Ngayon na ang oras upang ika'y lumaban
Ang pang-aapi ay dapat na wakasan.Abante! Babae!
Kayo ang palaban at tunay
Palawakin ang inyong hanay
Ang inyong kabayanihan ay walang kapantay
Lumaban hanggang sa makamit ang tagumpay!- Alay ko ang Tulang ito para sa lahat ng mga Babae, higit lalo sa mga matatapang nating Kababaihan ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan. Mataas na pagpupugay!
- March 8, 2018 10:07AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂