Higpitan ang iyong kapit
Labanan ang hapdi ng init
Puso'y h'wag hayaang mapunit
Dahil tiyak di ka makarating sa langit.Lubid ang syang nag-uugnay
Sa pag-iibigan nating tila ba'y bangkay
Mga paa'y h'wag tuluyang ibaon sa hukay
Pagkat kaluluwa ko'y sayo naghihintay.Maniwala ka't puso nati'y nakatali na
Tayo'y naka tadhana sa isa't-isa
Ang mga ibo'y nagsimula ng kumanta
Nagbigay pugay sa pagdating mo sinta.Ramdam ko ang hampas ng hangin
Kumapit sa lubid baka puso mo'y liparin
Ayokong makita ang katawan mo sa bangin
Magdurugo ang puso ko pag ika'y di kapiling.Sa lubid sabay tayong tumawid
Lagpasan ang bawat balakid
Di man biro ang bumaybay sa daang makitid
Pag ika'y kasama mga puso nati'y tila nasa himpapawid.Di ba't kay sarap pakinggan?
Mga puso nati'y sabay na nag-aawitan
Dahil sa lubid ang alon sa buhay ating nalagpasan
Kaya't panatilihing naka tali lage ang ating pagmamahalan.- January 18, 2018 12:28PM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂