"Alon ng Pag-ibig"

744 5 0
                                    


Di ko man batid ang ibigin ka
Ngunit ikaw ang nakikita ng aking mga mata
Saya sa 'king mukha'y di maipinta
Nagagalak sa mga yakap mo sinta.

Pag ika'y kapiling
Kaluluwa ko'y tila nilipad ng hangin
Diwa ko'y magdamag na gising
Naghihintay sa muli mong pagdating.

Ngunit bigla kang nagbago
Lumayo ka't iniwan mo ako
Puso ko'y lubos na naghihingalo
Umaasang muli kang makita pagkabukas ko ng pinto.

Buhay ko sayo'y handang ialay
Di alintana ang along di kayang sagipin ng kamay
Hampas ng tubig ay pilit kong labanan
Isang pagsubok lang ito na kayang lagpasan.

Muntikan man akong matangay ng alon
Puso ko'y buo parin ng umahon
Sabay nating labanan ang sakuna ng panahon
Kaya't h'wag sayangin ang isa pang pagkakataon.

Kung malunod man ako ng tuluyan
Mga ala-ala nati'y di ko malilimutan
Kung sakali mang ako'y iyong sundan
Hihintayin kita sa kabilang lagusan
Hanggang sa masilayan natin muli ang kalangitan.

- February 5, 2018    11:42AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon