"Palayain Na"

201 5 0
                                    


Noong sinabi ng isipan ko na tama na
Tila hindi mapakali itong puso kong tanga
Pagkat ikaw parin ang sinisigaw ng aking puso sinta
Hahamakin ang lahat muli ka lamang makasama.

Alam kong wala ng patutunguhan itong pinaglalaban ko
Hindi na tama itong ikot ng aking mundo
Nais man kitang habulin ngunit hindi ko na nasilayan ang iyong anino
Wala na akong nagagawa kundi ang umiyak nalang at huminto.

Ang hirap mong mahalin, sa totoo lang
Hindi ko malaman kung ano pa ba ang kulang
Ginawa ko naman ang lahat mapasaya ka lamang
Ngunit bakit hindi parin sapat at pilit mo akong nilalayuan.

Ganyan ka ba talaga ka manhid?
Hindi mo ba nararamdaman ang lihim kong pag-ibig?
Para sabihin ko sayo kung bakit ako nagmamasid
Dahil ikaw lamang ang nakikita ng aking mga mata sa paligid.

Siguro nga, ito na ang tamang panahon upang ika'y palayain
Ang pagkakataon para sarili ko naman ang iisipin
Sobra na ang sakit na matagal ko ng kinikimkim
Mahirap man ngunit ito ang tama kong gagawin.

Malaya ka na, masaya ka na ba?
Hindi ba't ito naman ang gusto mo talaga?
Siguro nga hindi tayo ang nakatakda para sa isa't-isa
Hayaan mo, makakatagpo din itong puso kong uhaw sa piling ng iba.

-May 15, 2020 5:06PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon