Naaalala mo pa kaya?
Ang lugar kung saan una tayong nagkita
Lugar na bumuo sa pag-iibigan nating dalawa
Ang lugar na nag-uugnay sa nag-aalab nating diwa.
Sabay tayong nakatingala sa langit at nangarap
Magkahawak kamay habang isapa'y nasa alapaap
Naka antabay sa muling paglubog ng araw
Hiling ng puso ko'y h'wag kang bumitaw.
Mga ngiti mo'y hindi masusuklian
Galak sa aking puso 'di ko maiintindihan
Napapawi mo ang lungkot na aking pinagdadaanan
Ikaw ang bituin na ibig kong makasama sa kalawakan.
Ngunit isang araw bigla ka nalang naglaho
Biglang nag-iba ang ikot ng 'yong mundo
Iniwan mong durog at duguan ang aking puso
Gayunpaman, umaasa parin ako na muli tayong mag tagpo.
Kalian kaya kita muling makita?
Sa ating tagpuan na puno ng malulungkot at masasayang ala-ala
Kalian ko kaya muling masilayan ang matatamis mong mga ngiti?
Mahawakan at mahagkan ang mapupula mong mga labi.
Ayokong umiyak ng walang dahilan
Hindi ako nawalan ng pag-asang ako'y iyong balikan
Maghihintay parin ako sa ating munting tagpuan
Hanggang ang puso mo'y handa na sa bagong digmaan.-October 11, 2020 11:21AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoesíaMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂