Chapter Two

340 34 22
                                    

[Tyrone]

Gusto kong tumawa sa mga nakikita ko ngayon, pero ayaw ko kase... naawa din ako dun sa babae.

Yung kanina'y ubod ng gaspang na babaeng 'to, biglang tumiklop nang malaman niyang si Kenji ang coach namin. Para s'yang binuhusan ng malamig na tubig at tinamaan ng kidlat. Natameme siya. Pero bakit?

"H-Hindi mo ako niloloko?" Sabi nito na parang bata na pinakitaan ng magic trick.

"Hindi." Ani ni Kenji sabay pakita ng ID nya.

Nanlaki ang mga mata nung babae at mapabuka ang bibig nito.

"Bakit mo hinahanap coach namin?" Tanong ko.

"Ah- ano kase... ako yung... manager-" utal niyang sagot.

Nanlaki mata naming tatlo nila Harold at Kenji. 

Putangina. Siya yon? Oo nga pala. Dapat expected na dahil sa America siya naglaro  ayon sa resume n'ya at halata sa mukha niyang Amerikana siya.

"Ah, ikaw pala yon? Tamang tama. Iniintay ka namin." Maganang sagot ni Kenji.

Hindi makasagot yung babae sa kahihiyan. Hahaha.

"Kenji, siya ba yon? Eh parang amasona sa gubat yan eh." Sabi ni Harold.

Gusto kong tumawa pero nagpipigil lang talaga ako.

Biglang pinandilatan nung babae si Harold at nanlisik mga mata. Halatang naiinis. Hindi ko na napigilan, natawa ako ng bahagya, pero nakita ko sakin naman siya tumingin ng may pagbabanta. Oops.

"Hindi ko naman siya masisisi kung nagalit siya. Napuruhan nga siya eh." Sabi ni Kenji kay Harold. "Tara muna dun sa locker room, gagamutin natin sugat mo." Magalang na aya ni Kenji dun sa babae.

Wag na kayong magulat kung hindi man lang nagalit si Kenji sa mga ganap. Hindi yan madalas magalit. He's a people person. Mahaba din ang pasensiya.

Biglang kinabahan uli yung babae at napayuko.

---
[Marie]

Putangina. Putangina talaga.

"Tara, tumutulo pa dugo mo sa ilong oh." Ani nung coach.

Sa sobrang kahihiyan ko, napayuko na lang ako at sumunod. Anak ng puta kasi tong pasensya ko eh. Tangina. Mainit kasi ulo ko noong papunta ako dito dahil ang tagal ng extension mg prof kong kala mo major subject pero minor naman. Nasakto pang tinamaan ako ng bola sa mukha kaya talaga pumutok na pasensya ko.

Pinaupo ako ni coach sa upuan habang may hinahanap sya sa isang locker. Ampota ka talaga Maria Clara!!!

"Pasensya ka na ha?" Sabi ni coach habang may hinahanap pa at nakatalikod sa akin.

"Hi-hinde. Pasensya ka na rin po... kasi-"

"Pagkakamali ko rin naman," ani nito. "Wag mo na lang isipin yung nagawa mo sa akin. Naiintidihan ko naman dahil nasaktan ka at may injury kang natamo. All good to me, I hope it's all good to you." Nakangiti itong humarap sa akin hawak ang first aid kit.

Ngayon ko lang siya natitigan ng maayos. Ang... ang bata pa niya? Ka-edad ko lang to eh.

"Yes?" Nakangiting tanong nito. Nakatitig kasi ako sa kaniya.

"Paanong ikaw po ang coach?" Tanong ko.

"Aah, mahabang storya. Pero sabihin na lang natin na ako ang captain ball at playing coach ng team dahil hindi pa kami binibigyan ng coach ng adviser ng club since last semester. Sa totoo lang, marami akong responsibilidad, pero hindi ko maitatangging nagugustuhan ko kung anong meron ako ngayon." Ani nito habang nagaayos ng first aid.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon