Chapter Sixteen

244 16 1
                                        

[Adi] 

"Yup, Dad! We are definitely doing good!" I smilingly told my dad on the screen of my laptop. "Uwi ka na! Mag-Palawan tayo next time!"

"I wish I could, pero masyadong busy, anak. Next year siguro," sabi nito. "Si Marie, nasaan?"

Napangiti ako. "I do think she's with someone today~" 

"Si Marie? I thought she's got classes today?"

"'Di ko rin alam, Daddy. Pero hindi siya nag uniform. Don't worry, I know my twin. She knows what she's doing," nakangiting sabi ko.

"Talaga lang ah? Sino ba kasama ni Marie?"

I just smiled at my dad. "Siya na siguro magsasabi hehe. But I assure you, Daddy that she is in very good company!"

Kenji and Marie are so cute together!!!

-----

[Kenji]

Nakatayo lang ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Marie habang nagbbrowse sa socmed ko. Sabi niya, papunta na siya kaya nagiintay na lang ako.

"Heey!" Napatingin ako sa harap ko.

May pagkaboyish ang suot niya ngayon. Nakacap siya na green, sleeveless na itim na hoodie, gray na jogger pants na may tatak ni Mametchi (character sa Tamagotchi) at rubber shoes. Simple lang ang suot niya, pero napapatulala ako. 

"Kanina ka pa?"

"Yeah, pero okay lang," sabi ko. "Maya-maya pa naman start ng laban nila."

"Edi mauna na tayo sa complex para may maupuan tayo kaagad na maganda," aya nito.

"Sige." Nakangiti kong sabi at saka kami naglakad. Malapit lang naman kasi yung complex kung saan gaganapin yung laro.

 Malapit lang naman kasi yung complex kung saan gaganapin yung laro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Enjoy sa date," nagchat si Tyrone.

Nanlaki mata ko.

"'Di naman 'to date," reply ko.

"Edi enjoy kung ano man iyan," reply niya.

 "Basta pakopya ng lecture," reply ko.

"Ako bahala. Balitaan mo rin kami sa laban. Ingat."

Si Tyrone talaga. Hahaha.




Nakakagulat dahil marami na agad mga tao sa complex kahit 30 minutes pa bago magsimula ang laro. Umupo kami ni Marie sa isang magandang lugar para makapanood.

"Sikat siguro talaga tong Cyan Wolves no?" Tanong ni Marie.

"Hindi naman sila umabot sa Final Four last year, kaya tingin ko 'yung freshman na sinasabi ni Coach Gutierrez pununta nila dito," paliwanag ko.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon