Chapter Fourteen

233 17 15
                                    

[Tyrone]

"Tyrone, p'wede ka ba mamaya?" Tanong Kenji sa akin bago kami magsimula ng practice.

"Aayain mo ba akong magpares?" Pagbibiro ko.

Napapikit ito. "Hindi. Basta, importante."

Duon ako nakakuha ng signal na seryoso gusto niyang sabihin. "Okay, ako bahala. Basta bilisan mo lang kasi laban na natin bukas ng umaga." Sabi ko.

Bumuntong hininga to. "Sige, salamat."

Sa totoo lang, medyo napansin ko ngang parang hindi komportable si Kenji netong mga nakaraang araw. Pota, sana hindi sakit ng ulo na tungkol kay Gaby na naman ito. Nauumay na ako sa babaeng 'yon. Pero mukhang nababagabag talaga si Kenji eh. Dapat nasa kondisyon siya kase laban na namin bukas. Potangina kinakabahan ako tuloy.

Maaga kaming nagtapos ng practice. Ang dati'y alas otso na tapos na practice, ginawa naming alas sais. Alas onse kasi ang laban namin bukas eh.


Nasa park kami ngayon ni Kenji. Iniwan ko siya saglit dahil bumili lang ako ng tubig para inumin namin at nakita ko na siyang nakalugmok sa bench habang nakalagay 'yung dalawang kamay niya sa buong mukha niya. Malaki laki nga problema neto.

"Oh eto, tubig." Binigay ko sa kanya. 

"Salamat." Kinuha lang niya 'yon tapos nilagay sa tabi niya at nagtakip ulit ng mukha.

Tangina parang mabigat 'to ah. 

"Anong problema?" Tanong ko at saka ako uminom ako ng tubig. "Si Gaby?"

Umiling ito pero nakatakip pa rin mukha.

"Eh ano?" Tapos uminom ako ulit ng tubig.

"Gusto ko si Marie." Ani nito at saka natakip pa rin ang mukha.

Ah.. si Marie.


TEKA POTANGINA ANO?!

EH NAKAKITA YATA AKO NG BAHAGHARI NANG MAIBUGA KO YUNG TUBIG SA HARAP KO.

EH NAKAKITA YATA AKO NG BAHAGHARI NANG MAIBUGA KO YUNG TUBIG SA HARAP KO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SI MARIE?!" Inuubo ko pang sabi.

Tumango ito pero nakatakip pa rin ang mukha.

"GUSTO MO?!" 

Tumango ulit.

"Kenji... ano bang-? Anak ng-"

"Alam ko-"

"Hindi eh- ano kasi-"

Huminga ito ng malalim at saka hinilamos niya sa mukha nya yung dalawang palad niya. "Ano ba 'tong ginagawa ko?"

"OO BUTI ALAM MO!" Sermon ko.

"Wala sa plano ko talaga 'to dahil ang dami kong responsibilidad- pero... hindi ko namalayan kasi eh."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon