[Nicko]
"Okay, boys! You did a great job! Pahinga muna bago maglinis!" Sabi ni ate Marie gamit 'yung megaphone niya.
Para talaga siyang commander ng militar eh.
"Salamat sa lessons," sabi ko kay Tyrone dahil siya ang kasama ko sa drill ngayong araw. Hindi umattend si Jam ng practice namin, tanda n'yo ba?
"'Lang problema. Kailangan natin 'yan para sa Regionals," sabi niya.
Tumango ako.
"Ano bang sabi ni Jam? Bakit hindi siya umattend ng practice?" Tanong niya.
"Ang gulo niyang kausap, hindi ko rin alam," iritang sabi ko.
Naiirita talaga ako. Kaming dalawa dapat ni Jam talaga ang partner sa drills at si Tyrone ang magtuturo, pero para siyang ewan kanina na natatarantang nagpaalam sa akin. Dadating na ang Regionals, nakuha pa niyang umasikaso ng mga bagay na hindi importante.
Nakita ko kasi 'yung mga babae mg Vloggers' Club na kausap niya kanina bago siya magpaalam sakin, kaya alam kong sila ang dahilan. Seryosong usapan, ayaw ko sa mga babaeng iyon dahil napakaiingay nila. Buti nga at nasungitan sila ni ate Marie.
Napalinga ako kay Cara na nakaupo lang sa bench at wala sa sarili. Alam kong ngayon pa lang... may problema na sila. Probably sangkot din 'yung mga babaeng maiingay sa club.
"Pre, mukhang may LQ si Cara at Pilay ah?" Bumulong si Kit sa akin.
"Mukha nga," sabi ko.
"Nagsimula iyan noong nalate si Jam kahapon eh," ani ni Arci.
"Hmm, ilibre kaya natin si Cara ng burger sa tapat para matuwa naman siya?" Tanong ni Samuel.
"Simp," sabi ko
"Simp two," si Kit.
"Simp three," si Glai.
"Gago! Parang kapatid na natin iyang si Cara eh. Nakakapanibago lang pag ganiyan siya," si Samuel.
Not gonna lie, oo. Masayahin kasi si Cara at laging nakasuporta sa amin kaya sobrang nakakapanibago niya ngayon.
"Bigyan muna natin ng oras si Cara," sabi ko. "Mukhang kailangan niya muna ng oras para mapagisa kaya 'wag na muna natin siyang guluhin."
"Fair point," si Arci.
"Ako na lang libre mo ng borgar," si Kit.
"Ulol, chix ka ba?" Si Samuel.
"Tarantado 'to," sabi ni Kit tas nagharutan sila ni Samuel.
Para akong may mga limang taong gulang na mga kapatid sa mga 'to.
Lumipat naman ang mata ko kay ate Marie at Captain. Mukhang naguusap sila tungkol sa letter of approval namin para makabyahe kami papunta sa ibang probinsya para sa laban. Habang tinitingnan ko sila, ewan ko ba, pero sumagi sa isip ko na para silang mag-asawang naguusap tungkol sa edukasyon ng mga anak nila. Ganoon sila ka-close. Are they sure they aren't dating or something?
Parang Ssla iyong ma-gasawa, 'yung seniors namin ang mga kuya at kaming mga freshmen ang mga bunsong alibugha.
That's how I see it.
Ilang minutong pahinga at naglinis kami ng gym tapos nagpalit ng damit at naghanda nang umuwi. Binigay sa amin 'yung letter na papipirmahan namin sa magulang namin para makasama sa Regionals. Dahil ako ang classmate ni Jam, sa akin binigay ang permit niya. Sana, makita ko siya bukas. Sana din, makapagpractice na kami.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...