[Kenji]
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagdidikit ng mga kilay ko. Ha?!
Pero hindi dapat ako magpakita ng takot sa demanda niya.
"Girlfriend ko po si Marie. Mahal ko po si Marie," deretsong sagot ko. Hindi ako nagpapatinag.
"Kung ganoon, pwede ka nang humanap ulit ng bago n'yong coach na tutulong sa inyong magimprove," hindi rin siya nagpatinag.
Napa-awa ang bibig ko.
MagOOJT na ako next semester, pati na rin si Tyrone. Hindi ko kayang maglaro o magcoach. Kung iiwan kami ni Coach Villareal ngayon, saan kami pupulutin? Ang dami pa naman naming liga na sinalihan ngayon.
"C-coach, hindi naman yata patas iyan," nakipagtawaran ako.
"Kenji, wala akong galit sa team ninyo, pero gusto ko lang makitang masaya si Xena."
"Ikakasaya n'yo po bang makita na iniipit n'yo lang ang magiging boyfriend niya?" Tanong ko.
"Kahit ano, basta para kay Xena. Kung girlfriend mo si Marie, iwan mo siya. Kapag ginawa mo iyon, mananatili ako sa team."
Napayukom ang palad ko. "Hindi naman po yata tama ito."
"Kenji, hindi mo na mababago ang desisyon ko. Hindi ako aalis dito nang hindi ako nakakakuha ng sagot sa'yo," tumingin siya sa akin ng mata sa mata.
Huminga ako ng malalim.
Lumabas ang imahe ng mga ala-ala ko sa team ko simula nuong freshman ako hanggang ngayong senior ako sa basketball team. Wala akong ibang hinangad kung hindi ang maayos ang team. Pinasan ko lahat dahil mahal na mahal ko ang basketball team. Hindi ko kakayanin kung babagsak ang team.
Pero mas hindi ko kakayanin kung mawawala si Marie.
Si Marie ang dahilan bakit ko kayanan lahat nuong 3rd year ako. Si Marie ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon. Si Marie ang dahilan kung bakit ako masaya.
"Coach," tawag ko."Oh?"
"Makakahanap pa kami ng bagong coach. Mapapalitan ka pa po namin, pero si Marie, hindi na. Hinding hindi ko iiwan si Marie," mata sa mata at buong loob kong sinabi sa kaniya iyan.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Sigurado ka, hijo?""Sigurado."
Napahilamos siya sa mukha niya, bumuntong hininga at tumayo.
"Ito na huli nating pagkikita."
Tumango ako.
Tapos ay naglakad siya papuntang kotse niya at saka nagdrive papaaalis.
Pagkatapos noon ay napatakip ako sa mukha ko.
Saan ako hahanap ngayon ng bagong coach?
----
[Marie]"Seth, natali mo na 'yung F4? Baka 'yung friends ni Marie gawin nilang dinner eh! Haha!" Si Adi.
"I did," tipid na sagot ni Seth.
"Seth, hijo, can you lend me a hand?" Tanong ni Daddy habanh nagaayos ng burner.
"Opo," punta agad si Seth kay Daddy.
Sa akin lang talaga bastos iyang lalaking iyan. Pagdating kay Adi, sobrang sweet. Pagdating kay Daddy, sobrang masunurin. Hay nakooo. Sipsip.
"Twinny, excited na akong mameet ni Daddy si Kenji!"
BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...