Chapter Fifty Three

149 9 4
                                    

[A/N: Dapat kahapon ko ito ipupublish, pero I decided na ngayon na lang. Birthday chapter kais ito ni Marie. Sinabay ko ngayon, kasi birthday ko eh! Hahaha Mid 20's life crisis ajujuju.]



[Tyrone]

"Inaya mo si Marie sa isang legit date kahapon?" Kunot noo kong tanong kay Kenji.

Tumango siya.

"Ano sabi niya?" Tanong ko.

"Sa paresan lang daw, masaya na siya kaya du'n na lang. Pero, gusto ko din siyang dalin sa ibang lugar," ani niya.

Magkasama kami ngayon ni Kenji sa room namin at nagpapahinga matapos kaming manood sa mga events sa intramurals. Isa pa, nagtatago din si Kenji sa mga booths kasi kanina pa siya nadadali ng blind date at marriage booth.

Itong mga babaeng ito... akala mo hindi naniwala sa kumalat na video ni Gaby. Tapos ngayon, grabeng lumandi ngayon kay Kenji.

"Teka nga. Akala ko ba hindi ka muna aabante?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya. "Alam mo kasi, Ty. Alam kong marami akong responsibilidad at alam kong wala sa isip ni Marie ang makipagrelasyon, pero... 'di kasi ako mapakali. Alam ko kasing kapag hindi ako kumilos man lang kahit paunti-unti... hindi ko siya maaabot."

Hindi ako sumaaagot. Alam ko rin kasi pakiramdam niya kasi halos parehas lang naman kami ng sitwasyon.

"Ang totoo din niyan, nakausap ko si Jam kahapon. Sabi niya, gusto niyang bawiin si Cara. Gagawa siya ng paraan. Pakiramdam ko tuloy, parang binibigyan na din ako ng senyales na kumilos."

"May kasalanan naman si Jam kay Cara talaga, kaya dapat lang na bumawi siya," sagot ko. Nakwento din na pala ni Kenji sa akin ang buong storya. Napakasakit sa ulo.

"Ang punto eh... nagpapakalalake na siya. Gusto ko ako rin," si Kenji.

"Alam mo namang kahit ano maging desisyon mo, susuportahan kita."

Napangiti siya. "Thanks."

"Very welcome."

"Ty, tingin mo... kung magpaparamdam ako sa kaniya kahit paunti-unti... may pag-asa kaya ako?"

"Ayan. Ayan tayo. Uunti-untiin daw pero kakaiba na mga tanungan," umasim ang mukha ko sa kaniya.

Natawa siya. "Siyempre... gusto ko talagang paibigin si Marie."

"Kenji, alam mo? Walang kaibigan lang ang sasadyaing ipahamak ang sarili niya, ididisqualify ang sarili niya sa isang pageant para lang maligtas ang pangalan ng isang lalake. Palagay kp, may pagkaslow lang si Marie, pero gusto ka niya. Sigurado ako." 

Tumingin siya sa akin at saka kumurap-kurap. "Talaga? Iniisip ko kasi 'yung usapan nila ni Brighton noon na narinig ko. 'Yung sinabi niya na inaadmire niya ako... at hindi iyon romantic."

"Kenji, nagbabago ang tao. Sa dinami-dami ng pinagdaanan ninyo, palagay ko hindi lang iyon basta admiration lang."

"Sige, noted."

Napapaisip tuloy ako kung gagawa na din ba ako mg move para sa taong gusto ko. Kaso pota, teacher eh. Mayayari kaming parehas.

"Ty, tingin mo... ano kayang magandang pambawi kay Marie liban sa panlilibre sa kaniya sa paresan?" Tanong niya pa.

"Kenji, NGSB ako. Anong malay ko dyan?"

Natawa siya.

"Sige, tawa pa."

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon