-----------
[Kenji]
Napatayo ako nang makita kong dumiretso bagsak si Jolo nang masiko siya ng kalaban.
Agad-agad kaming tumakbo ni Cara papunta sa kaniya.
"Jolo, anong pakiramdam mo?" Kabado kong tanong. May dugo kasi dumataloy mula sa bibig nya.
"Nahihilo," sagot nito.
Agad siyang tiningan ni Cara. "Pumutok lang loob ng bibig niya dahil sa tama. Pero nakakahilo 'yung pagkakasiko sa kaniya dahil sa mukha pa rin tumama eh."
Nagpainjury time-out ako at tiningnan ko muna ang lagay ni Jolo. Tahimik lang siya at tulala.
Kilala kong player si Jolo at hindi siya basta basta nagkakaroon ng injury dahil maingat siyang player. Sa totoo lang, pansin ko rin na medyo out of position siya kanina. Okay lang kaya siya?
"Lo, ako papalit sayo, magpahinga ka muna," sabi ko.
Tumango ito.
May dalawang quarters pa at pagod pa rin si Arci. Kailangan na ako sa court.
"Ikaw na ang bahala dito, Marie," sabi ko kay Marie bago ako lumarga.Nginitian niya ako. "Go ahead and nail it."
Nginitian ko rin siya. "Oo naman."
-----
[Cara]"Nalagyan ko na ng first aid si Kuya Jolo, need na lang muna niya magpahinga. Hindi naman kalaliman ang sugat niya sa loob ng bibig," sabi ko kay Ma'am Montes.
"Good work," sabi sa akin ni Ms. Montes.
"Ako na muna bahalang kumausap kay Jolo," sabi ni Kuya Ty. Mukha kasing wala sa sarili si Kuya Jolo eh.
"Sige, kuya."
Matapos nuon, bumalik na ang atensyon ko ulit sa laro and wah! 2 minutes left bago matapos ang 2nd quarter at 49-35 ang score at pabor sa amin. Ang galing!
Sa puntong iyon, nakita ko si Kuya Kenji na may hawak ng bola. Naghihiyawan ang mga tao sa complex basta siya ang may hawak ng bola.
Pinasa niya ang bola kay Kuya Kian, tapos dineretso niya ang pasa kay Kuya Nicko. Si Kuya Nicko naman, balak sanang i-shoot ang bola pero dinouble team siya. Sakto naman na nasa isang gilid lang at tumatakbo si Kuya Kenji. Pinasa ni Kuya Nicko ang bola sa kanya at boom! 3 point shot!
Hiyawan uli ang mga tao sa complex.
"Nice, Captain!!" Sigaw ni ate Marie.
Nilingon siya ni Kuya Kenji tapos nginitian tas binigyan niya ng thumbs up sign si ate Marie. Si Ate Marie naman, binigyan din niya ng thumbs up sign si Kuya Kenji.
KINIKILIG AKO SA KANILA! ANG ASTIG NILA TALAGA TOGETHER!
"Grabe! Ang galing pala ni Mr. Fajardo maglaro ano?" Manghang manghang sabi ni Ms. Montes.
"Opo! Kaya po sigurado akong makakapasok tayo sa Final Four."
"On top of that, ang gagaling din ng mga members ng basketball team na ito. Hindi ko tuloy maintindihan bakit ayaw i-prioritize ni Sir Jerome ang basketball club," confused na sabi ni Ms. Montes.
Si Sir Jerome ay isang madapaking pakshit. Ayaw ko na muna magcomment.
"Nandito naman po kayo," sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/270022562-288-k155957.jpg)
BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...