[Kenji]
"Ha?" Kunot noo kong tanong kay Coach.
"Hindi lumalabas si Xena ng kwarto for a day now. Ayaw niyang makinig kahit kanino. Pero naisip ko na baka kung ikaw ay makikinig siya. Pakiusap, Kenji," ani niya.
"C-coach, may pupuntahan ako ngayon eh," sabi ko.
"Nuong isang araw pa walang kain si Xena, Kenji. Pakiusap. Alam kong sa'yo lang siya makikinig dahil pangalan mo lang ang iniiyak niya," sabi nito sa tonong naiiyak na rin.
Nako naman.
"Pakiusap. Malapit lang naman ang bahay namin. Ihahatid kita agad dito pagkalabas niya," nagmamakaawang sabi nito.
Napabuntong hininga ako. "Sige, pero sandali lang po, okay?"
May oras pa naman.
-----
[Tyrone]
"Okay ka na?" Tanong ko kay Cara na nahimasmasan na.
Tumango ito.
"Nakakatakot ka minsan eh. Para kang si Marie pag galit," ani ko pa.
"Nakakahighblood kasi," sabi niya.
"Cool ka lang, Cara. Lalo ka lang kasi pagtritripan ng mga yan pag mainit ulo mo," sabi ko. "O siya, balik na ko."
Pero pagkalingon ko sa bench kung saan kami nakaupo ay wala na dun si Kenji.
Asan 'yun?
Iniwan pa niya 'yung cellphone niya dito. Buti walang nagnakaw.
Ang ginawa ko ay nilagay ko 'yung phone sa bag niya para hindi mawala. Tapos ay umupo na lang ako sa bench at saka nanood ng practice. Baka hindi nakatiis si Kenji at sinilip si Marie.
Mga kalahating oras o mahigit na ako sigurong nakaupo nang marinig kong may tumatawag sa cellphone ni Kenji. Pag ka bukas ko ay nakita kong tumatawag si Marie. Tangina? Marie-gotchi nickname niya sa Messenger amputa.
"Oy, Biskwit," sabi ko.
"Kapre?"
"Oh?"
"Si Kenji?" Tanong niya.
"Hindi mo ba kasama?" Tanong ko.
"Eka pre, naguguluhan ako. Cellphone ni Kenji tinawagan ko. Bakit ikaw sumagot?"
Naguguluhan na rin ako.
"Akala ko-- teka. Asan ka ba?" Tanong ko.
"Sa gate."
"Okay, wait," ani ko sabay buhat ng bag ni Kenji at saka dali-daling pinutahan si Marie sa gate ng school.
Hindi niya kasama si Kenji? Nasaan si Kenji?
"Bakit nasa'yo phone ni Kenji?" Kunot noo niyang bungad sa akin.
"Kanina kasama ko siya. Akala ko naman ay pinuntahan ka na niya at naiwan pa niya cellphone at bag niya dun sa gym," ako.
"Huh? No. Kanina pa ako nagiintay rito kaya ako tumawag na," sabi niya.
"Ang problema, nasaan siya ngayon?" Tanong ko.
"It's odd. Hindi nagiiwan ng gamit si Kenji," sabi ni Marie.
"Siyang tunay," ako.
"Anong oras siya nawala?" Tanong ni Marie.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...