[Mina]
Lumamig bigla ang katawan ko at pakiramdam ko ay babagsak ako sa kinatatayuan ko na iyon.
Ito pala ang pakiramdam ng may baril na nakadikit sa noo mo. Sobrang lamig ng baril. Pakiramdam ko.... mamaya lang kasing lamig na rin ng baril na yon ang bangkay ko.
Pero ilang saglit lang, narinig kong sumigaw yung lalakeng may hawak sa akin. Bumagsak siya sa lupa.
I just froze there. Hindi ko alam ang gagawin.
Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa kamay ko at hinila ako papaalis.
Tyrone?
"Tulong! Tulong!" Sigaw nito habang tumatakbo at hila-hila ako.
"Tyrone-" untag ko.
Pero hindi pa kami nakakalayo ay biglang bumagsak si Tyrone sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko. Nangangatog ang kamay kong hinawakan ang katawan niya at nakita kong may dugo na umaagos mula sa balikat niya.
He has been shot.
"Ma'am.. takbo na," ani ni Tyrone.
"No!" sabi ko at saka pinilit ko siyang hilahin, but it's no use. He's so tall and heavy. Hindi ko siya kaya.
And I saw the perpetrator went near us. Nakatakip pa ang mukha niya and he still has his gun with silencer with him.
Oh... god.
----
[Marie]
"Go!" Sabi ko at saka kami sumugod mula sa likuran.
Tinukluban ni Nicko ng basurahan ang ulo nuong lalake at sumabay naman ako sa paghawak ng kanang kamay nito kung saan niya hawak ang baril niya. Ilang sandali pa ay kinuyog na ng mga bata ko 'yung lalake at pinagsusuntok nila ito.
"CARA! Tumawag ka ng ambulasya, dali!" Sigaw ko.
"Papunta na rin si Kenji kasama ng mga pulis!" Sabi ni Cara na kasama si Jam na nagkakandarapang pumunta kay Tyrone.
"Guys..." tulalang sabi ni Ma'am Montes.
"Ma'am, magiging okay ang lahat," sabi ko.
"Kuya, may iba pa bang part kung saan masakit liban sa balikat mo?" Tanong ni Cara habang nilalagyan ng pressure ang balikat ni Tyrone.
"Balikat lang," sabi nito pero nahihirapan.
"Ate, okay na!" Sabi ni Kit.
Hawak-hawak nila Samuel, Arci, Glai at Nicko 'yung lalake.
Gigil kong hinila ang maskara niya and yeah. It's Sir Jerome de Diablo, y'all.
Well... hindi naman siguro nakakasurpresa ang lahat? Everything we discovered is pointing at him.
I think it was about two weeks ago nuong sinimulan namin siyang obserbahan ni Cara.
Ganito kasi iyon, before everything of this happened, Cara told me that one of her classmates, Ann, got assaulted by this motherfucker. She told me that Ann cannot do P.E. kasi may scoliosis siya and what this asshole did was if she was to have sex with him, ipapasa niya si Ann sa P.E.
What an asshole.
Also, Ann also told Cara about a girl who dropped out dahil she suffered the same fate kay Jerome de Diablo, I think her name was Mica. Me, Kenji and Cara went to investigate what happened to Mica. We met her. And she told us that she got her child aborted and she's now suffering from intense trauma and depression. But hindi lang doon natatapos ang lahat, she also warned us na this son of a fuck is after our Ma'am Montes. Sinabi niya na she saw a lot of photos ni Ma'am sa phone ng gagong ito.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...