[Tyrone]
Eto na nga ba ang kinakatakot ko. SI GABY! Sinasabi ko na nga ba..
Tumingin ako kay Kenji at nanlalaki mga mata niya nang makita niya si Gaby. Jusko po.
"KENJI!" Sigaw ulit ni Gaby.
Binaba agad ni Kenji ang bola na hawak niya at tumakbo papunta kay Gaby. Napahilamos na ako ng mukha ko.
"Hindi pa ba tapos 'yan? 'Di ba tinapos na ni Captain 'yan lahat bago magpasukan?" Angil ni Jolo.
"Oo," sagot ko. "Yung babae lang makulit."
"Jusko naman, nagppractice tayo ah. 'Di na ba yan nahiya?" Sabi ni Shane.
"Naaawa na ako kay Captain dahil makailang beses na rin niya 'yan inaasikaso pero 'yung babae talaga may ayaw. Eskandalosa, ang ganda pa naman. Sayang." Si Harold.
"Oy, anong nangyayare?" Tanong ni Marie kasama ang mga freshmen.
Paktay. Oo nga pala, may Marie na kami. Jusko po. Sana 'wag magkalat si Gaby ng sobra. Walang sinasanto 'tong sugo ng demonyo naming manager.
"Mahabang storya, Marie." Sabi ni Kian.
"Importante ba 'yan? Nakakaistorbo ng practice eh." Inis na sabi ni Arci.
"Kung mahaba ang storya, then I am willing to listen." Ani ni Marie.
"Well..." magpapaliwanag na sana si Red pero umalulong sigaw ni Gaby.
"No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nagpapaliwanag sa akin, Kenji!" Sigaw ni Gaby.
Kumukunot na noo ni Marie. Jusko po panginoon!
"Gaby, please lang, umalis ka na. Hindi ba't matagal na rin tayong tapos?" Pinagpapawisan si Kenji ng malapot.
"Bakit ako aalis?! Ah! Alam ko na! Tinatago mo 'yang bago mo! Iyan oh!" Sigaw ni Gaby sabay turo kay Marie.
Tumaas ang balahibo naming lahat na nadoon. NALOKO NA!
"Ako?" Tanong ni Marie sabay turo sa sarili niya.
"OO, SINO PA BA?! IKAW LANG NAMAN ANG UMAAHAS KAY KENJI EH. ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Sigaw ni Gaby.
Nagpintig tenga ni Marie.
"HOY, PUTANGINA MO! SINONG MAKAPAL ANG MUKHA?!" Galit na sabi ni Marie at saka umakma itong susugod kay Gabi.
"Boys! Awatin n'yo!" Utos ko tapos inawat ko kasama ng mga freshmen si Marie. Sigurado ako, sasapakin ni Marie si Gaby.
Napapikit si Kenji sabay hilamos sa mukha.
"Ano? 'Di ba tama naman ako! Iyang babaeng iyan pinalit mo sa akin! May friend akong nagsabi sa akin na nakikita niya daw kayong madalas magkasama sa paresan sa labas ng school after practice! How dare you, Kenji! Pipili ka na lang ng babae, ganiyan pa kapangit!"
"ABA-" Napasinghap si Marie ng hangin tapos pinilit niyang magpumiglas. "Sinong panget?! Ako, panget? Putangina mo a! Tara dito, bubuntalin kitang babae ka!"
"Ate Marie, parang awa mo na! Kumalma ka!" Pakiusap ni Jam.
"Maganda ka, ate Marie! Please lang! 'Wag ka makipagaway!" Si Samuel.
"BITIWAN N'YO KO! BAKA GUSTO NYONG PAGSABAY SABAYIN KO KAYONG LAHAT!" Gigil na sabi ni Marie.
"Ang bastos pa ng bibig!" Puna pa ni Gaby.

BINABASA MO ANG
The Playing Coach's Manager (Redo)
Humor[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...